Panalangin
ng Brotherhood of Blessed Gérard in Filipino / Tagalog
Panginoong Hesukristo
Mula sa Iyong kabutihan, ako ay hinirang Mo upang maglingkod sa Iyo bilang
isang kapatid sa Kapatiran ni Beato Gerard.
Ako po ay taimtim na nagpapasalamat na ako ay minarapat Mo sa gawaing ito
Buong kababaang-loob ko pong hiniling, kasama ng mga panalangin ng mahal na
Birhen Maria, ni San Juan Bautista, ni Beato Gerard Tongue at lahat ng mga
Banal, na nawa’y ang aking buhay at mga gawa ay para sa pagtulong sa aking mga
mahal sa buhay, kaibigan at sinumang nangangailang ng aking tulong.
Sa tulong Mo Panginoon, nawa’y patuloy kong mapalakas at mapangalagaan ang
aking pananampalataya at taos pusong tumulong sa aking kapwa, lalo na sa
mahihirap, sa mga nalulungkot, at may mga karamdaman.
Ipagkaloob Mo po sa akin Panginoon ang lakas upang nawa’y lagi kong ipamalas
sa aking buhay ang Iyong mga aral at isabuhay ang Mabuting Balita.
Para sa kapurihan ng Panginoong Diyos, sa kapayapaan ng sangkatauhan, at sa
ikabubuti ng ating bayan
Amen
We thank Mr. Bobby Pinpin for this translation into Pilipino /
Tagalog.
Back to the homepage of the Brotherhood of Blessed
Gérard
This page was last updated on
Dienstag, 30 Juni 2020 12:17:48